Image Map

UP Write



Image Map


ShoutBox



What's Hot?




Contact Us

E-mail Address:
upb.upwrite@gmail.com

Facebook Page:
CLICK HERE.



Bakakeng (Part 2)
ni Pedrong Persyir

Highschool palang ako, talagang pangarap ko nang mag-aral dito sa Baguio. Bukod kasi sa maganda ang klima dito eh parang astig ka kapag sa malayo ka mag-aaral sa college. Kaya naman tuwang-tuwa ako nung nalaman kong pumasa ako ng UPCAT at dito sa UP Baguio ako napunta. First choice ko ang UPB, at laking gulat nung kabahay kong upper class nung nalaman nya ito, “Weh? Ako nga gusting gusto ko nang makalipat sa Diliman. Sana nga next sem makalipat na ko.”

Medyo ayaw pumayag ni mama noong sinabi kong dito sa Baguio ko gustong mag-aral. “Kaya mo bang mabuhay nang mag-isa? Naku, baka mabarkada ka doon hah? Baka ibang bagay atupagin mo doon! Tinanong mo na ba si Daddy mo?” Tinawagan ko si Daddy at binalitang pumasa ako ng UPCAT at sa Baguio ako mag-aaral. “Wow congrats anak! Pero nakausap mo na ba si mommy tungkol dyan?”

“O, kelan byahe mo papuntang Baguio? Nakausap ko na si Daddy mo at payag daw sya.” Nag-iba lang ang ihip ng hangin nang malaman ni mama na hindi na tutuloy sa UP Baguio si Manel, ang kasintahan ko nang dalawang taon na.

Pumasa din si Manel sa UPCAT. Bakas na bakas sa mukha nya ang labis na tuwa noong una nyang nalamang pumasa sya. Dugo at pawis din kasi ang ginugol nya para lang paghandaan ang UPCAT. Hindi gaya kasi ng karamihan sa kaklase namin, hindi nag-enroll sa kahit anong UPCAT review si Manel. Sabi nya, bukod daw kasi sa mahal ang mga inooffer na review, ay mas matamis daw ang tagumpya kapag sarili mo lang mismo ang kasama mo sa pag-abot nito. Ilang beses ding hindi sya kumain ng lunch para lang pag-ipunan yung exam fee. Minsan nga, sabi ko ililibre ko nalang sya, pero tumanggi sya. Isang araw, nagbaon nalang ako ng kanin at ulam para saming dalawa. Kaya habang ang mga kaklase namin ay abalang lumalamon ng tanghalian sa labas ng paaralan ,pinagsasaluhan naming dalawa ang malamig nang kanin at ulam sa loob ng classroom nang kaming dalawa lang. Ganun kami nang halos dalawang linggo, kaya ayun, napag-ipunan nya ang exam fee habang nakapag-ipon naman ako ng pogi points sa kanya.

Pero hanggang pagpasa ng UPCAT nalang pala ang pangarap nyang makapasok ng UP. Nagulat kasi yung mga magulang nya nung nalamang mataas na din pala ang tuition fee sa UP. Hindi daw nila kayang tustusan ang ganoong kataas na matrikula kahit kumayod-kabayo pa sila. Kaya sa amin sa Tarlac nalang nag-aaaral ngayon si Manel, at nakontento nalang sya na kahit papano, isa daw samin ay makakatuntong ng UP. “Ikaw nalang ang magpatuloy ng pangarap ko. Kaya galingan mo!,” sabi pa nya dun sa card na pabaon nya sakin bago ako umalis noon paakyat ng Baguio. Wala nang bibigat pa sa pakiramdam ko noon habang binabasa ko yung sulat nyang iyon.

“Good Morning Hon! Sabado ngayon ah, diba sabi mo bababa ka? Miss na kita!!! ”
Halos dalawang buwan na din pala kaming hindi nagkikita ni Manel. At naipangako ko din pala sa kanya na uuwi ako ngayong araw na ito.
Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Iyak na dala ng magkahalong emosyon. Ng kasabikan kong makita at mayakap na muli si Manel. At ng lumalabang emosyon na nagsasabi manatili ako, manatili ako sa tabi ng natutulog kong kaibigan na si Don. Kasabay ng banayad na pagtaas baba ng kanyang dibdib sa kanyang tahimik na paghinga ay ang pag-agos naman ng luha mula sa aking mga mata.
Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang braso sa aking mga balikat. Sinubukan niyang pakalmahin ako at ang naglalabang emosyon sa loob ko. Naramdaman kong bahagyang napanatag ang pakiramdam ko sa ginawa nyang iyon. Ngunit nagpatuloy ang pag-agos ng aking luha.

“Tahan na.” Bulong ni Don na tila ramdam din ang suliraning pinagdadaanan ko. “Tahan na.”

Labels: ,


1:23 AM | Thursday, July 28, 2011