Image Map

UP Write



Image Map


ShoutBox



What's Hot?




Contact Us

E-mail Address:
upb.upwrite@gmail.com

Facebook Page:
CLICK HERE.



Bakakeng
ni Pedrong Persyir


“6:00 pm sharp. Sa guard house. Pls. Walang malelate.”

Text ng bloc rep naming na kung umasta ay parang yung class president lang din naming nung fourth year. Magoovernight daw kami sa bahay ng bloc mate namin sa bakakeng para i-“super practice” na yung performance naming sa freshie night. Kainis nga eh, ayoko sanang magperform. Sabi ko, tutulong nalang ako sa paggawa ng props. Kaso sabi ni bloc rep (nang pagalit) “Nu ba yan, dadalawa na nga lang kayong lalake sa bloc, tas di ka pa peperform.” Tsk.

“Badtrip nga eh,” sabi ni Don nung nasa jeep na kami papunta sa lugar kung saan man kami magsusuper practice. Nag-arkila na ang buong bloc ng isang jeep pero siksikan parin kami sa loob. Maingay din sila, halatang excited. Hindi tuloy kami masyadong magkarinigan ni Don kahit nasa bandang dulo na kami nung sasakyan. “Ayaw ko nga ding magperform sana eh, kaso kailangan dawn g lalake sa performance kaya umoo nalang din ako.”

Halos dalawang buwan palang ako dito sa Baguio pero parang antagal-tagal ko nang andito. Parang nagsasawa na ko agad sa mga ginagawa ko. Gigising. Papasok. Uuwi. Matutulog. Minsan nga naisip ko, ganto ba talaga sa UP? Sabi naman nung upper class kong kabahay, “ganyan talaga pag first year. Bum muna.” Hindi nga ganito yung inexpect ko eh. Inisip ko kahit first year palang eh haggard na, yung tipong maraming requirements agad ang gagawin na halos wala ka nang oras para kumain o matulog. Hindi pala ganun. Pero syempre meron din yung mga first year gaya ko na kung umasta eh parang fourth year na nagthethesis na. Kahapon nga, may nakasabay ako sa xerox sa lib. Nagpaxerox sya ng isang buong libro! Sabi nya sa ateng nagxexerox, babalikan nalang daw nya ng alas-dyis. Nawengwang si ate. Pano ko nalaman na persyir din sya? Naka-ID.

Siguro dumagdag pa sa mabilis kong pagkasawa ay dahil sa pare-parehong taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Pano naman kasi, sa halos lahat ng klase ko- Chem1, Comm1, Hist3, Psych10- eh kaklase ko ang lahat ng bloc mate ko. Pero bakit ganun, nung high school eh pare-pareho din naman ang mga kaklase ko sa lahat ng subjects? Siguro nahihirapan lang akong mag-adjust. Wala pa kasi akong masyadong nakakausap dito. Bukod kay Don.

Kaklase ko din si Don sa PE. Basketball. Nakakapagtaka nga. Kami lang dalawa sa bloc ang nahiwalay sa PE. Lahat kasi sila magkaklase sa PE1 (na boring daw kasi lecture). 11:30-1 yung PE namin, kaya naman takbo agad kami ni Don papuntang HKP pagkatapos ng klase namin sa Psych10 sa CSS. Yung pagtakbo pa nga lang, PE na. Sabay na din kami kumakain ng lunch sa upper pagkatapos ng PE namin. Tas magkaklase ulit kami ng 2:30 sa Comm1 sa JL. Ewan ko, pero sa lahat ng ka-bloc ko, kay Don lang ako kumportable. Siguro kasi nakikita ko sakanya yung mga barkada ko nung hayskul. Badtrip, bakit kasi dalawa lang kaming lalake sa bloc.

Magsi-six-thirty na nung dumating kami sa Bakakeng. Kumain muna kami ng dinner bago nagsimulang mag”super practice”. Di pa man naguumpisa ang practice eh na-badtrip na ko. Pano naman kasi, ang role ko pala sa performance namin eh ako yung oble! Putek lang. Pero andun na din naman ako kaya wala na kong nagawa. Mabilis din naman natapos yung practice. Pagod na daw kasi yung iba. Pero nung akala kong matutulog na sila eh nagkwentuhan lang din pala. Dun sila lahat sa sala natulog-slash-nagchismisan. Sinigurado talaga nung nanay nung bloc mate namin na nahiwalay kaming dalawa sa pagtulog. Praning. Kaya naman kami Don, dun kami sa isang bakanteng kwarto natulog.

Alas-siyete na ng umaga nang magising ako. Tulog pang parang mantika si Don sa tabi ko na may mahinang hilik. Pinagmasdan ko ang banayad na pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Chineck ko yung cellphone ko. May text.

“Good Morning Hon! Sabado ngayon ah, di ka ba bababa? Miss na kita!!! :(” Galing kay Manel, girlfriend ko nang dalawang taon na.

**itutuloy**

Labels: ,


4:24 PM | Sunday, July 24, 2011